Binuksan na ngayong araw ang Toll Packaging facility sa loob ng Romblon State University sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ang P2.6 milyon na proyektong ito ay sa ilalim ng Shared Service Facility (SSF) program ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Provincial Director Noel Flores, ang nasbaing pasilidad ay bukas sa publiko lalo na sa mga nagnenegosyo.
Ilan sa mga maaring gawin sa loob na pasilidad ay ang pag-print ng mga labels, pag-selyo ng mga produkto gamit ang vacuum sealed, bottle capping at iba pa.
Ang SSF ay isang diskarte na pinagtibay upang makamit ang layunin ng National Industry Cluster Capacity Enhancement Project na kung saan ay magtatayo ng mga sentro ng produksyon para sa mga Micro, small and medium enterprises (MSMEs).