Arestado sa pinagsamang pwersa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaking dahil sa marijuana sa bayan ng San Agustin kaninang tanghali, December 23.
Kinilala ng San Agustin Municipal Police Station ang suspek na si Chris Jason Menes Mangoba o mas kilala sa lugar na Shaq.
Ayon sa police report, bandang 11:30 ng ikasa ang anti-illegal drug buy-bust operation ng pingasamang pwersa ng San Agustin Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Branch ng Romblon Police Provincial Office at ng PDEA-Romblon sa Barangay Bachawan.
Nakipagkasundo umano ang suspek sa poseur buyer na magkikita sa Barangay Bachawan ngunit nang matunugan nitong pulis ang kanyang ka-transaksyon, pumaharurot ito ng takbo at sinubukang tumakas ngunit nahabol siya ng kotse na dala ng mga otoridad.
Nakuha sa suspek ang marijuana na nakalagay sa isang sachet at motorsiklong ginamit sa pagtakas nito.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa San Agustin Municipal Police Station at mahaharap ito sa kaukulang kaso.