Naabo ang isang kainan sa Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon matapos itong masunog bandang ala-una ng madaling araw kanina.
Ang nasabing kainan ay pag-mamayari ni John Angelo Tansiongco ng Barangay Tampayan.
Ayon sa ulat ng Magdiwang Municipal Police Station at Magdiwang Fire Station, napansin umano ng isang residente malapit sa lugar ay tila nasusunog.
Agad siyang tumawag ng mga kapitbahay para tumulong apulahin ang apoy gamit ang tubig at mga timba ngunit mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang kainan.
Idineklarang fire-out ang sunog matapos lamang ang halos 30 minuto.
Sa imbestigasyon ng otoridad, abot sa P100,000 ang halaga ng nasuog na mga gamit sa loob ng kainan.
Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Magdiwang Fire Station sa posibleng pinagmulan ng sunog.