Nasawi ang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Odiongan matapos itong maaksidente habang pauwi ng kanilang bahay noong gabi ng Biyernes, ika-18 ng Disyembre.
Ang nasawi ay kinilalang si Leonardo Baniago Famisan, Jr., 52.
Sa ulat ng pulisya, pagdating umano ng biktima malapit sa bahay ng mga Morgado sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan , nawalan umano ito ng kontrol sa kanyang dahil upang mag-crash ito at dumiretso sa kanal.
Nadamay rin sa aksidente ang tubo ng tubig malapit sa kanal dahilan upang ito ay mabasag at dumaloy ang tubig sa kanal kung saan siya nakadapa, dahilan ng kanyang pagkalunod.
Sinubukan pa siyang dalhin sa Romblon Provincial Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.
Nagpaabot na ng pakikiramay si Vice Mayor Diven Dimaala sa pamilyang naiwan ni Famisan.
Si Famisan ay isa sa mga close-aide ng bise alkalde.