Nasawi ang isang Dutch National na kasalukuyang nakatira sa Barangay Bunsoran, Ferrol, Romblon matapos itong maaksidente sa kahabaan ng national road sa Barangay Anahao, Odiongan nitong gabi ng December 6.
Ayon sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station, binabaybay bandang alas-6:15 ng gabi ni Jan Karel Kleijn, dutch national national road sa nabanggit na lugar at patungo sanang Ferrol ngunit pagdating nito sa pinangyarihan ng aksidente, nasalpok nito ang tricycle na nakaparada sa kalsada na minamaneho naman ni John Denver Galiza Faminial, 25.
Sa lakas ng pagkakasalpok ng biktima sa likurang bahagi ng tricycle, nagtamo ito ng matinding pinsala sa kanyang ulo dahilan kung bakit siya nasawi.
Sinubukan pa itong isugod sa Romblon Provincial Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.
Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, pansamantala lang itong iniwan ng suspek na si Faminial para bumili ng sigarilyo. Dinala na ito sa istasyon para imbestigahan.