Opisyal ng binuksan ngayong araw ng Department of Trade and Industry ang bagong Negosyo Center sa bayan ng Calatrava.
Ito na ang ika-10 Negosyo Center sa probinsya na tutulong sa mga micro small and medium enterprises o MSMEs sa bayan.
Ilan sa mga maaring gawin sa negosyo center ay ang pag rehistro ng business name, access sa mga impormasyon sa pagnenegsyo, mga kagamitang pang teknolohiya, at maari ring venue para sa mga training at seminars para sa mga MSMEs.
Pinangunahan ni DTI Division Chief Orville F. Mallorca ang pagpapasinaya sa bagong Negosyo Center kasama si Calatrava Mayor Marieta Babera at iba pang opisyal ng bayan.
Ang Negosyo Center ay alinsunod sa Republic Act 10644 o mas kilalang Negosyo Act na naglalayong magtayo ng iba’t ibang Negosyo Center sa lahat ng probinsya, siyudad at munisipalidad sa bansa.