Nasawi ang isang lalaki habang nagpapagaling sa ospital ang apat niyang mga kasama matapos tamaan ng kidlat sa bayan ng Magdiwang, Sibuyan Island pasado alas-otso ng gabi ng Huwebes, Hunyo 18.
Pinangalanan ang nasawing biktima na si Jervel Rustia, 29 anyos taong gulang, isang mangingisda.
Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang limang lalaki umano’y naghihintay ng paparating na bangkang pangisdaan sa baybayin sa ilalim ng isang kubo habang umuulan nang malakas at kumikidlat. Sa nabanggit na lugar na tinamaan ng kidlat ang lima sa silong ng kubo.
Agad naman silang dinala sa clinic ngunit binawian ng buhay si Rustia kalahating oras matapos itong isugod sa ospital dahil sa natamong sunog sa katawan.
Dagdag ng Magdiwang MDRRMO, dinala na ang apat pang biktima ng insidente sa Sibuyan District Hospital sa bayan ng Magdiwang upang doon tuluyang magpagaling.