Isang grupo ng mga estudyante ang dinala sa barangay matapos mahuli ng mga security personnel ng Hataw Shopping Center na nagtatangkang maglabas ng mga paninda nang hindi dumadaan sa cashier, ayon sa impormasyong nakalap ng Romblon News Network.
Ayon sa source ng RNN, nakuha sa grupo ang isang garment at ilang maliliit na item na umano’y hindi nabayaran.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang mga estudyante na igalang ang pag-aari ng iba at iwasan ang anumang uri ng pagnanakaw. Hinihikayat din ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa paghubog ng katapatan at disiplina, habang mahalaga ang papel ng mga paaralan sa pagtuturo ng mabuting asal at responsableng pagkilos.
Paalala rin sa publiko na ireport sa mga kinauukulan ang anumang kahalintulad na insidente upang matugunan ito sa wastong paraan.

























