Nakipag courtesy visit si Romblon Congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona sa bagong talagang DepEd MIMAROPA Regional Director na si Ronnie Mallari upang talakayin ang mga programa at proyekto para sa sektor ng edukasyon sa lalawigan ng Romblon.
Sa kanilang pulong, napag-usapan ang iba’t ibang inisyatiba na layong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa probinsya, kabilang ang pagpapatibay ng mga programang nakatuon sa mga mag-aaral, guro, at mga institusyong pang-edukasyon.
Nakipagpulong din ang kongresista kay Engr. Hanz Formento at sa iba pang regional personnel mula sa Romblon, kung saan kinilala niya ang kanilang serbisyo at binigyang-diin ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng national at regional offices upang matiyak na ang mga programa ay tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Congressman Madrona na nananatiling prayoridad ang edukasyon sa kanyang mga adbokasiya, at patuloy niyang susuportahan ang mga programang magpapalakas sa sektor sa lalawigan.
Si Mallari ay pormal na nanungkulan bilang DepEd MIMAROPA Regional Director noong March 19, 2026.



































Discussion about this post