Kanselado parin hanggang sa katapusan ng taong 2021 ang biyahe ng Cebgo ng Cebu Pacific papasok at palabas ng Romblon Aiport sa Tablas Island, Romblon.
Ito ang kinumpirma ngayong umaga ng Civil Aviation Authority of the Philippines – Romblon sa pamamagitan ng isang Facebook post.
“We confirm that Cebu Pacific flight DG 6073/6074 Manila-Tablas-Manila extend flight cancellations until December 31, 2021,” ayon sa CAAP-Romblon.
Ang mga pasahero na may inisyal ng booking sa nasabing airlines ay maaring makipag-coordinate para sa rebooking at flight updates.
Matatandaang ika-15 ng Hulyo ng nakaraang taon nang itigil ng Cebu Pacific ang kanilang flights sa Tablas Island matapos mabawasan ang mga pasahero na bumabiyahe dahil sa travel restriction na ipinatutupad ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa probinsya.