Nagsagawa na ng simultaneous na test and final sealing ang bawat voting precinct sa lalawigan ng Romblon ngayong araw, May 7, para sa mga vote counting machine na gagamitin sa halalan sa Lunes.
Ayon sa Commission on Elections, naging matagumpay ang test and final sealing ngayong araw at walang major problem na nangyari maliban sa delay na delivery ng mga VCM at sa pagkakamali sa pag-operate sa VCM ng mga miyembro ng Board of Election Inspectors.
Sa Barangay Tuburan sa bayan ng Odiongan, alas-10 na ng umaga dumating ang VCM kahit na alas-7 ng umaga ang usapan ng oras na dadalhin ang mga election paraphernalia.
Kompleto naman ang mga kagamitang kasama ng VCM na hinatid ng courier ng COMELEC.
Sa initialization/startup ng VCM, nag-error ang isa sa mga machine na gagamitin sa isang presinto dahil nagkamali umano sila ng isinalang na papel nang humingi ng panglinis.
Naayos naman nila ika kinalaunan at nakapagboto na ang mga dumating na watchers upang mag-sample sa mga vote counting machine.
Mananatili sa mga paaralan ang mga VCM at babantayan ng mga tauhan ng kapulisan ng Romblon Police Provincial Office hanggang May 13.
Sa pangkahalatan, naging maayos ang ginawang test and final sealing ngayong araw sa probinsya.



































