Sabayang nagsagawa ngayong umaga ng test and final sealing sa mga Vote Counting Machines (VCMs) sa bayan ng Santa Maria ang pamunuan ng Commission on Elections.
Sa Concepcion Sur Elementary School sa Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, dumating ang mga VCM bandang 7:30 kanina at nagsimula ang testing ng alas otso.
Ilan sa kanila ang nag try na bomoto para masubukan ang machine na gagamitin sa halalan at wala namag naging problema.
Ang mga nasabing machine ay mananatili sa paaralan at babantayan ng mga otoridad hanggang sa May 13.