Iprinoklama na ngayong gabi ng Provincial Board of Canvassers ang apat na nanalo sa pagka-Sangguniang Panlalawigan ng First District ng Romblon kasunod ng ginanap na halalan kahapon.
Pawang mga miyembro ng Nationalist Party ang mga nanalo na pinangunahan ni SP-elect Nene Solis na nakakuha ng aabot sa mahigit 34,000 na boto; sinundan ito ni incumbent Corcuera Mayor Rachel Bañares na nakakuha ng mahigit 28,000 votes; mahigit 27,000 votes naman ang nakuha ni reelectionist Jun Bernardo; at mahigit 26,000 ang nakuha ni Guds Mortel.
Pinangunahan ni Atty. Patrick E. Enaje, Provincial Election Supervisor IV, ang proclamation ceremony sa loob ng session hall ng Sangguniang Panlalawigan.