Panalo ang tandem ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa matataas na posisyon sa bayan sa katatapos lang na halalan 2019.
Batay sa datus ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), nakakuha si incumbent Jovencio Mayor ng botong 2605 kontra kay Teresita Chua ng Liberal Party na nakakuha lamang ng 820.
Samantala, nakakuha ng 1807 votes ang panalong bise-alkalde na si Antonio Compas, kontra kina Dante Pantas (Liberal Party) na nakakuha ng 267, at Nathaniel Sarmento (IND) na nakakuha naman ng 1276.
Samantala, dikit ang laban sa Sangguniang Bayan ngunit nanguna parin sina sa botohan sina: Christian Gervacio, Elma Fampo, Pedro Gelindon, Edgar Forcadas, Faith Lota, Bonifacio Fabila, Redante Prado, at Leonora Compas.