Siyam na araw bago ang May 13 National and Local Elections, patuloy parin sa panunuyo ang mga kandidato ng dalawang partidong naglalaban sa matataas na posisyon sa probinsya ng Romblon.
Ang grupo ni incumbent Governor Eduardo na tumatakbo sa pagka-Congressman ay nasa Barangay Guinbirayan sa bayan ng Santa Fe nitong hapon ng Sabado, May 4 para mangampanya kasama ang pambato nila sa bayan sa pangunguna ni Joey Venancio.
Samantala, tumungo naman sa bayan ng Odiongan kinagabihan si Atty. Eleandro Madrona, kalaban ni Firmalo sa pagka-Congressman, para mangampanya sa Barangay Canduyong.
Dumalo ito ng sa caucus ng grupo nina Odiongan Mayoralty candidate Venizar Maravilla at kasama nitong si reelectionist VM Mark Anthony Reyes kasama ang kanilang mga pambato sa Sangguniang Bayan (SB).
Nasa Barangay Tumingad naman ang kalaban nina Maravilla na sina reelectionist Mayor Trina Firmalo-Fabic at incumbent SB Diven Dimaala, kasama ang kanilang mga pambato sa SB.