Inanunsyo ng pamunuan ng Petron Corporation sa Romblon na magkakaroon ng malakihang pagtaas sa presyo nga mga langis sa lalawigan ngayong Martes, October 02.
Ayon sa Petron Corporation, tataas ng P1.00/Liter ang kanilang XCS at XTRA Gasoline mula sa dating P67.05/Liter at P66.92/Liter. P1.35/Liter naman ang itataas sa presyo ng Diesel mula sa P58.69/Liter.
Sinabi ng Department of Energy na ang pagtaas sa presyo ng mga langis ngayong Linggo ay dahil sa lumalalang gulo sa presyo ng langis sa World Market, gulo sa Iran, ang pagbaba ng production ng Venezuela, at ang geopolitical tension sa Middle East.
Nag-anunsyo rin ng price hike ang iba pang gas stations kagaya ng Alpha Oil at EcoOil.