Dalawa sa mga bagong graduate ng Romblon State University ang nakapasa sa katatapos lang na October 2017 Certified Public Accountant Licensure Examination na ginanap sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi Lucena, Tacloban at Tuguegarao.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), dalawa ang nakapasa sa 11 na kumuha nang nasabing licesure examination.
Kinilala ang mga nakapasa na sina Rickmar Anthony Salsona at Arnold Benedict Forlales.
Sa pangkalahatan, may 4,511 ang nakapasa out of 14,816 na kumuha ng board examination.
Ang nasabing pagsusulit ay inihanda nina Joel L. Tan-Torres, Chairman; Gerard Sanvictores, Gloria T. Baysa, Concordio S. Quisaot, Samuel B. Padilla, at Arlyn S. Villanueva.
Ang date at lugar ng oathtaking ceremony ay inaanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) sa kanilang website sa mga susunod na araw.
{googleads center}