Eleven na bagong graduate ng Bachelor of Science in Electrical Engineering sa Romblon State University Department of Engineering and Technolgoy ang nakapasa sa katatapos lang na September 2017 Registered Electrical Engineer Licensure Examination na nilabas tatlong araw pagkatapos ng last day ng examination.
Ginanap ang nasabing exam sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban at Zamboanga.
Ang eleven na nakapasa ay 22% ng kabuoan na 50 examinees galing sa Romblon State University.
Kinilala ang mga nakapasa na sina Engr. Jaypee Gumboc Guntan, Engr. Arman Morada Muros, Engr. John Vincent Santiago Soliven, Engr. Nasario Fesalbon Camposano, Engr. Nikko Paul Perez Caro, Engr. Charles Dustin Morada Falcutila, Engr. Lawrence Buenaventura Leocadio, Engr. Kim George Sediaco De Castro, Engr. Samuel Mabulac Reyes, at nag-iisang babae na si Engr. Allana Alain Marquez Cangson.
Sa pangkalahatan 2,807 lamang ang nakapasa sa 4,460 na kumuha ng September 2017 Registered Electrical Engineer Licensure Examination.
{googleads center}