Apat na bagong Licensed Mechanical Engineer ang muling naitala ng Romblon State University College of Engineering and Tenchology sa katatapos lamang na March 2016 Mechanical Engineer and Certified Plant Mechanic Licensure Examination.
Ang apat na nakapasa ay 26.67% lamang ng total na kumuha ng pagsusulit.
Nakilala ang mga pumasa na sina Pablo Abello, James Marin, Rhodel Laniohan, at Anthony Fabito.
Ang nasabing resulta ay inilabas, 3 araw matapos ang pagsusulit na ginanap sa Manila, Baguio at Cebu.
Ayon sa Professional Regulation Commision aabot sa 910 out of 1,645 na kumuha ng exam sa buong Pilipinas ang nakapasa sa Mechanical Enigineer Licensure Examination.