by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 27 September 2015
Sugatan ang rider ng isang motorsiklo matapos na salpukin nito ang isang Toyota Inova na pagmamay-ari ng Sato Dizon Hotel sa bayan ng Looc, Romblon pasado ala-una ng hapon kanina.
Nakilala ang driver ng motorsiklo na si Jhun Onofre residente ng Sitio Sampaguita, Poblacion, Looc, Romblon.
Ayon kay Dr. Ernesto Panes, physician na nakasaksi sa aksidente, nauna umanong dumating sa National Highway ang Toyota Inova ngunit di umano siguro napansin ni Onofre na mabilis rin ang patakbo noong oras na iyon kaya nasalpok ang kotse.
Agad namang isinugod si Onofre sa Hospital matapos magtamo ng bali ang kaliwang paa.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng Looc Municipal Police Station ang aksidente.