Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ng 205 sako ng bigas na tig-limang kilo sa mga teaching personnel sa Calatrava bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Pinangunahan ni Governor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic ang pagkakaloob ng kabuuang 1,025 kilo ng bigas sa mga guro ng Calatrava Cluster.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Calatrava Cluster sa gobernador at sa pamahalaang panlalawigan para sa tulong na kinilalang pagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa mga guro.
Ayon sa Calatrava Cluster, malaking bagay ang naturang tulong sa mga guro na patuloy na naglilingkod at gumagabay sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Ang pamamahagi ay pagkilala rin sa sakripisyo, dedikasyon at pagsisikap ng mga guro sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa sektor ng edukasyon.
Muli namang nagpasalamat ang Calatrava Cluster sa pamahalaang panlalawigan sa patuloy na suporta at pagmamalasakit sa mga guro, na may mahalagang papel sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon at paghubog sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.


























