Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang special non-working day ang September 9, 2026 sa Bayan ng Banton, Romblon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hanrumanan Festival.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1422, idineklara ang Wednesday, September 9, bilang special non-working day sa buong Municipality of Banton.
Ayon sa proklamasyon, nararapat lamang na mabigyan ang mga residente ng Banton ng buong pagkakataong makilahok at makiisa sa mga aktibidad kaugnay ng nasabing pagdiriwang.
“It is but fitting and proper that the people of the Municipality of Banton be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” ayon sa proklamasyon.
Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, sa pamamagitan ng awtoridad mula sa Pangulo, ang Proclamation No. 1422 noong September 8, 2026.
Ang Hanrumanan Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang ng Banton na nagbibigay-diin sa kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng mga Bantoanon.



































Discussion about this post