Pinasinayaan kahapon, Agosto 10, ang bagong gusali ng Victorio Sixon Balogo National High School sa Calatrava, Romblon matapos maisagawa ang reconstruction ng mga makeshift classroom na nasira ng Bagyong Opong noong nakaraang taon.
Naging katuwang sa pagpapatayo muli ng mga silid-aralan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pondo para sa mga materyales na ginamit sa reconstruction.
Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Education (DepEd) Romblon, Lokal na Pamahalaan ng Calatrava, mga barangay officials, guro at pamunuan ng paaralan sa kanilang sama-samang pagkilos upang maibalik ang mas ligtas at maayos na learning environment para sa mga estudyante.
Layunin ng proyekto na matiyak na may mas ligtas at angkop na lugar para sa pag-aaral ng mga mag-aaral matapos masira ang kanilang dating mga pasilidad dahil sa bagyo.



































Discussion about this post