Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan ang biglaang random drug testing sa mga job order personnel nito noong Marso 2, ayon sa ulat ng Cajidiocan Public Information Office.
Ayon sa PIO, boluntaryong lumahok sa pagsusuri ang mga tauhan ng munisipyo, kabilang si Mayor Marvin Ramos.
Layunin ng aktibidad na maitaguyod ang isang “drug-free workplace” at matiyak ang integridad ng mga kawani sa hanay ng serbisyo publiko.
Paliwanag ng PIO, mahalagang hakbang ito upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan at masiguro na ang bawat lingkod-bayan ay nasa maayos na kondisyon, kapwa mental at pisikal, sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

































Discussion about this post