Inanunsiyo ni Mayor Greggy Ramos na makatatanggap ng tig-₱500 cash incentive ang lahat ng mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa bayan na nakakuha ng honors sa kasalukuyang school year.
Ayon sa alkalde, layunin ng programa na kilalanin ang pagsisikap ng mga mag-aaral na nakapagtamo ng mataas na marka at hikayatin ang iba pang kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Saklaw ng insentibo ang mga honor students sa junior high school at senior high school mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Cajidiocan. Inaasahang ipamamahagi ang cash incentive matapos ang opisyal na pagtatapos ng school year at paglabas ng listahan ng mga awardees.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan sa pagsuporta sa edukasyon at pagbibigay pagkilala sa academic excellence ng mga kabataang Cajidiocanon.


































