Tatlong mangingisda ang nahuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard matapos maaktuhang gumagamit ng compressor habang nangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Marigondon.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Coast Guard matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal na pangingisda sa nasabing lugar. Naabutan ng mga otoridad ang mga mangingisda na gumagamit ng compressor bilang breathing apparatus, isang ipinagbabawal na paraan ng pangingisda dahil sa panganib nito sa kalusugan ng mga mangingisda at sa kalikasan.
Agad na inaresto ang mga mangingisda at sinampahan ng kaukulang multa batay sa umiiral na Comprehensive Fishery Ordinance ng bayan ng Cajidiocan.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na sumunod sa mga regulasyon sa pangingisda upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mangingisda at ang balanseng ekolohiya ng karagatan.



































