Ilang GCash users ang nakaranas ng technical errors dahil sa isinasagawang system reconciliation process ng kumpanya. Ayon sa GCash, ang insidente ay “isolated” o limitado sa iilang users, at kasalukuyang iniimbestigahan upang matiyak ang seguridad ng mga account.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng GCash na tinukoy at kinontak na nila ang mga naapektuhang account, at kasalukuyan nang inaayos ang kanilang mga wallet balances: “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing.”
Patuloy ang GCash sa pagsisiguro na ang mga account ng kanilang mga customer ay ligtas, at nangako silang tatapusin agad ang pag-aayos ng mga apektadong wallet.