Tinupok ng apoy ang isang gusali ng Bognuyan National High School sa Gasan, Marinduque kaninang madaling araw, September 14.
Batay sa inisyal na imbestigasyon sa insidente, posibleng problema sa linya ng kuryente ang pinagmulan ng apoy na kumalat hanggang sa opisina ng mga guro ng paaralan.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil walang tao sa paaralan nang mangyari ang insidente.
Dahil sa sunog, nadamay din ang opisina ng bookeepers section ng paaralan na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento at papeles.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng Bureau of Fire Protection sa insidente.