Nakakaranas ng makulimlim na panahon at pabugso-bugsong ulan dulot ng habagat ang bayan ng San Jose, Romblon nitong umaga ng Martes.
Nakaranas din ng malakas na buhos ng ulan sa lugar kanina.
Ang masamang panahon ay nararanasan din sa iba pang probinsya sa MIMAROPA at Antique. Isolated rain showers naman at minsahang thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon at iba pang lugar sa Visayas.
Pinapayuhan ng San Jose Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang publiko na maging alerto at mag-ingat sa posibleng epekto ng malakas na ulan na dala ng habagat, gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy na magmasid at maging handa sa anumang posibleng panganib na dulot ng masamang panahon.
Discussion about this post