Sa kulungan ang diretso ng isang lalaki sa bayan ng Calatrava, Romblon matapos itong arestuhin nang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at Calatrava Municipal Police Station nitong tanghali ng Miyerkules dahil sa ipinagbabawal na shabu.
Ayon sa police report mula sa Romblon Police Provincial Office, isang pulis na nagpanggap na ‘poseur buyer’ ang nakabili di umano sa suspek ng shabu sa halagang P6,000. Anim di umanong sachet nang ipinagbabawal na shabu ang nabili sa suspek na may timbang na 0.06 grams.
Dinala na ang mga items na ito sa Romblon Provincial Forensic Unit para sa examination habang ang suspek naman ay nakapiit sa piitan ng Calatrava Municipal Police Station.