Nagsagawa ng inspeksyon ngayong Martes, February 21, ang Calatrava Local Government Unit, Department of Trade and Industry Romblon, at Calatrava Police sa Calatrava Public Market para silipin ang mga kilohan rito at i-callibrate sa tamang timbang.
Layunin nito na masigurong tama ang mga timbangan ng mga nagtitinda sa palengke para mabigyan na rin ng proteksyon ang mga mamimili sa bayan.
Minarkahan na pasado ang mga timbangan na callibrated.
Kasabay nito, ang joint inspection team ay sinilip rin kung mga papeles ng mga negosyante para masiguro rin na rehistrado sila at nagbabayad ng tamang buwis sa lokal na pamahalaan.