Naaresto ng mga tauhan ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) sa bayan ng San Jose, Romblon nitong hapon ng Huwebes ang lalaking wanted sa kasong may kinilaman sa panghahalay ng bata.
Ang suspek ay kinilalang si Charlie Mar Casimero, 25 anyos, residente ng Barangay Pinamihagan.
Ayon sa pulisya, tinugis nila ang suspek dahil sa warrant of arrest laban sa suspek na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong December 12.
Dahil sa bigat ng kaso ng suspek, nailagay ito sa Top 2 Most Wanted Person ng Police Regional Office Mimaropa.
Nakakulong na ngayon ang suspek at inaasahang dadalhin sa Odiongan para iharap sa korte.
May piyansa ang kaso ng suspek na aabot sa P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.