Sinimulan nang paghuhulihin ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan ang mga pagala-galang mga aso sa kanilang bayan kamakailan.
Ayon sa Cajidiocan Public Information Office, kasunod ito sa kautusan ay mula kay Mayor Greggry Ramos na linisin mula sa mga galang ang aso ang mga kalsada para maiwasan ang mga aksidente.
Ang mga galang aso ang madalas na sanhi umano ng aksidente ng mga motorsiklo sa kalsada sa Cajidiocan.
Dinala sa Dog Shelter ang mga asong nahuli na matatagpuan sa bawat barangay ng bayan para doon alagaan.