Nasagip ng mga lifeguard ng Cathedral Cove sa San Jose, Romblon ang isang bangkero na nahulog sa sinasakyan nitong bangka matapos itong magkaaberya noong Miyerkules, November 9.
Ang bangkerong kinilala lamang sa pangalang “Lolong” ay galing umanong Tablas Island, Romblon at patungo sanang Caticlan, Aklan nang mangyari ang aksidente.
ADVERTISEMENT
Mabuti na ang lagay ng bangkero.
Ligtas naman ang asawa nito na kasama niya ring naglayag.