Natapos na kamakailan ang ipinagawang 200 metro ng pathway sa Barangay Colong-Colong sa bayan ng Corcuera, Romblon.
Ang nasabing proyekto ay pinagawa ng DSWD Kapit-Bisig sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) at ng lokal na pamahalaan ng Corcuera para may madaanan ang mga residente ng barangay na noon ay nahihirapan kapag maputik ang lugar.
Maliban rito, na iturnover rin kahapon ang mga medical equipments at isolation amenities na binili rin ng KALAHI-CIDSS para sa Barangay San Roque sa pareho ring bayan.
Ang mga gamit na ito ay mga gamot, refregerator na lagayan ng gamot, generator para sa isolation facility at iba pa.
Malaking bagay umano ito para magamit ng mga ma-isolate sa bayan dahil sa sakit o sa Covid-19.