Natuloy rin matapos ang ilang beses na pagkaka-suspende dahil sa pandemic ang licensure examination para sa mga professional teachers sa bayan ng Romblon, Romblon noong weekend.
Ayon sa ulat ng Provincial Public Employment Service Office (PESO), may aabot sa 605 na nagtapos ng Bachelor of Secondary Education at Bachelor of Elementary Education ang kumuha ng pagsusulit.
Pinangunahan ang exam ng Professional Regulation Commission (PRC) IV-B at Professional Regulation Commission (PRC) IB-A sa pamumuno ni Director Reynaldo Agcaoili at Director Reynaldo Cristobal.
Para masigurong naipatupad ang minimum health standards, tanging 9 na tao lamang ang pwede sa kada-kwarto ng examination site para sa social distancing.
Sinabi ng Provincial PESO na naging matagumpay ang nasabing aktibidad kahit nasa-alert level 3 ang probinsya.