Pormal nang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Corcuera sa pangunguna ni Mayor Elmer Fruelda ang bago nilang rescue boat na kaloob sa kanilang Provincial Government.
Ang blessing ng nasabing rescue boat ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng probinsya at ng bayan noong nakalipas na weekend.
Ayon sa Provincial Gov’t, ang nasabing rescue boat ay magsisilbi ring sea ambulance upang may magamit ang LGU kung sakaling may kailangang itawid na pasyente mula Simara Island patungong Tablas Island kung saan matatagpuan ang provincial hospital.
Dumalo sa turn-over ceremony sa Corcuera si Governor Jose Riano.