Top-contender sa Miss Philippines USA 10th edition ang Romblomanon na si Alyson Faith Fabello-Podwoiski na magiging pambato ng Detroit, Michigan.
Sa isang panayam ng the Daily Tribune, sinabi ni Fabello-Podwoiski na ang ultimate dream niya ay ang manalo at makapasok sa Miss Universe Philippines upang maging kinatawa ng probinsya ng Romblon.
So Fabello-Podwoiski ay 20 taong gulang, may inang Romblomanon at may tatay na Polish.
Sa murang edad, nakaranas na ng challenges sa buhay si Fabello-Podwoiski, katulad ng ibang dalagang babae.
Naging parte ng kanyang buhay ang pag-acting, pag-sayaw, pag-kanta, at ang pagtugtog ng piano.
Nakatira na siya ngayon sa Hollywood, California.
Ang Miss Philippines USA ay gaganapin sa City National Grove of Anaheim sa California sa darating na ika-22 ng Nobyembre, alas-8 ng umaga, oras sa Pilipinas.