Aabot sa 50 mga bata sa bayan ng Banton, Romblon ang napakain ng libreng Nutrigold ng mga tauhan ng Department of Science and Technology (DOST)-Mimaropa kamakailan para matugunan ang malnutrition rate ng probinsya.
Iniulat ni DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña na namahagi sila ng Nutrigold sa ilang barangay sa bayan ng Banton, isang fifth-class municipality, at pang pito sa may pinakamataas na malnutrition rate sa buong probinsya.
Ang mga Nutrigold na binuo sa pamamagitan ng Complimentary Baby Food foruma ay ginawa ng DOST-Mimaropa sa pakikipagtulungan ng Barangay Nutrition Scholars Association (BNSA)-Odiongan at DOST-Food and Nutrition Research Institute.
Ito ay pinaghalong rice, mungbean, at sesame seeds.
Ang isang 30g pack ng Nutrigold ay mayaman sa enerhiya at protina upang suportahan ang paglaki ng mga bata na 6-36 buwan ang edad. Ang isang pack ay sapat para sa isang serving at mainam na kinakain araw-araw.
































