Tatlong Materials Recovery Facilities (MRFs) ang nai-turn over ng Environmental Management Bureau sa lokal na pamahalaan ng San Agustin, Sta Fe, at Sta Maria sa Romblon kamakailan.
Sa ginawang turn over ceremony, nilagdaan ang Property Transfer Report, Undertaking at Certificate of Acceptance ng naturang LGUs na umaako sa responsabilidad sa pangangasiwa sa mga nasabing MRFs.
Si EMB Romblon Irwin Anzaldo na kumatawan sa regional office ang nag-abot ng susi ng pasilidad kina Mayor Esteban Santiago F. Madrona ng San Agustin, Mayor Elsie D. Visca ng Sta. Fe at kay Mayor Lorilie M. Fabon ng Sta. Maria.
Ang mga nasabing Materials Recovery Facilities ay pagdadalhan ng mga compostable at recyclable materials mula sa mga residente ng bayan para sa recycling o di kaya at sa composting activities.