Sugatan ang tatlong lalaking naglalaro ng kanilang cellphone sa tabi ng kalsada sa Sitio Pagatpat, Barangay Doña Juana sa bayan ng San Agustin matapos silang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ng isang nakainum na lalaki.
Ayon sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, habang naglalaro ang tatlo ay sinalpok sila ng humaharurot na motorsiklo dahilan upang magtamo sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naganap ang aksidente bandang alas-8:30 ng gabi nitong Linggo.
Ang rider naman na kinilalang si Dexter Maeje Arnais, 21, ay tumalapon at nagtamo rin ng sugat sa katawan.
Dinala sila lahat sa Tablas Island District Hospital kung saan sila agad na ginamot.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang rider ay walang lisensya, walang helmet, at nakainum rin nang mangyari ang aksidente.