Inihatid na sa huling hantungan nitong Huwebes, Pebrero 27, ang labi ng dating chief of hospital ng Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital na si Dr. Irvin Alojado.
Ipinanganak noong June 12, 1954 sa Sta. Barbara, Iloilo at lumaki at nag-aral ng Elementarya at Sekondarya sa Guinbirayan, Sta. Fe at lumipat sa Looc National High School hanggang makatapos ng sekondarya.
Kumuha ng Bachelor of Science in Biology sa University of the Philippines bilang kanyang Pre-Med at nagtapos bilang ganap na Doctor of Medicine sa South Western University sa Iloilo City.
Sa edad na 65 taon siya ay binawian ng buhay mula sa kanyang karamdaman.
Umabot ng 23 taon na nanilbihan bilang Hepe ng Don Modesto Formilleza Sr Memorial Hospital (1994-2017).
Una syang nagtrabaho bilang Doktor ay sa San Jose District Hospital bilang resident physician (1984-1988). N
ailipat siya sa Malipayon District Hospital sa Corcuera, Romblon taong (1988-1992), na-assign din sa St. Joseph District Hospital (1992-1993).