Ipinakilala na kanina sa publiko ang 49 na kandidata ng Miss Universe Philippines 2020 at isa sa mga lalaban rito ang Romblomanon at tubong Calatrava na si Maria Fee Tajaran.
Dadalhin ni Tajaran ang pangalan ng lalawigan sa nasabing kompetisyon.
Dati na ring sumali si Tajaran sa national beauty contest at isa rito ay ang Miss Tourism World Philippines 2014 kung saan itinanghal siya na Fourth Runner-up.
Sumabak na rin sa pag-artista si Tajaran matapos itong maging bida sa pelikulang Across the Crescent Moon kasama si kapuso artist Jasmine Curtis-Smith at kapamilya star Jericho Rosales, kung saan naging panlaban pa sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Si Tajaran ang ikalawang Romblomano ngayong taon na lalaban sa isang national beauty contest.