Inilabas na ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated ang listahan ng mga kasali sa Binibining Pilipinas 2020 pageant, at nasama rito ang pambato ng Romblon na si Danica Joy Acuña.
Makakasama ni Acuña ang ilang matunog na sa pageant katulad nina Vickie Rushton at Samantha Bernardo.
Si Acuña bago sumabak sa Binibining Pilipinas ay naging runner up na sa ginanap na Miss Philippines Earth noong nakaraang taon.
Ilan sa mga korona maaring makuha sa Binibining Pilipinas 2020 pageant ngayong taon ay ang Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Supranational, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Grand International, at Bb. Pilipinas Globe.
Follow the exciting journey of the 2020 Binibining Pilipinas contestants. Visit www.bbpilipinas.com, or follow the Binibining Pilipinas official Facebook ( www.facebook.com/realbbpilipinas) and Instagram (@bbpilipinasofficial) pages. We are proud of you, Binibinis!



































