Patungo na ng Puerto Princesa City, Palawan ang grupo ng mga estudyante mula Romblon State University na lalaban sa 5th Culture & the Arts Festival na bahagi ng Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics 2019.
Isa ang Romblon State University sa 11 na State Colleges at Universities sa rehiyon na lalaban sa kompetisyon na gaganapin sa Western Philippines University mula bukas, November 10 hanggang sa 14.
Ilan sa lalabanan ng RSU ay ang show chorale, painting, on-the-spot poster making, photography, charcoal rendering, banduria, classical guitar, violin, piano, pop solo, kundiman, at vocal duet.