Buhay at ligtas na ang isang mangingisdang pinaghahanap ng kanyang pamilya at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Alcantara, Romblon matapos itong mawala habang nangingisda sa dagat.
Kinilala ang mangingisda na si Juvy Flores, 38-anyos, residente ng Sitio Tabok, Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.
Ayon sa pamilya ni Flores, umalis si Flores nitong Sabado sa kanilang lugar sakay ng kanyang bangka para manginsda ngunit umaga na ng Linggo ay hindi parin ito bumabalik.
Tanghali ng Linggo nang ligtas na matagpuan si Flores sa Barangay Guinbirayan sa bayan ng Santa Fe, Romblon.
Nasira umano ang makina ng bangka ni Flores kaya nagsagwan lang ito putungo sa pampang.