Inirereklamo ng isang pamilya sa Barangay Danao Norte sa bayan ng Sta. Fe, Romblon ang mababa umanong linya ng kuryente sa kanilang lugar.
Ayon kay Facebook user Dumalague Jhepoy, nagreklamo na sila sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) sa Odiongan ngunit isang buwan na umano ay hindi parin ito naaksyunan.
Ipaayos sana umano nila ang bubong ng kanilang bahay ngunit hindi nila ito magalaw dahil maari silang makuryente kung sakaling maakyat umano ang bubong.
Ipinaabot na ng Romblon News Network ang nasabing hinaing sa pamunuan ng TIELCO.