Nag-install ang Sta. Fe Senior High School ng Closed-Circuit Television (CCTV) system sa loob ng campus kamakailan bilang bahagi ng mga hakbang para sa seguridad ng paaralan.
Isinagawa ang proyekto ng Batch 2025–2026 at naglalayong magkaroon ng monitoring sa mga pangunahing bahagi ng campus.
Maaaring gamitin ang CCTV system sa pag-monitor ng mga insidente gaya ng pagnanakaw, vandalism, hindi awtorisadong pagpasok at iba pang paglabag sa seguridad. Maaari rin itong magamit bilang karagdagang sanggunian sa pagsisiyasat ng mga insidente at pagtugon sa mga emergency.
Ayon kay John Lester Flores, guro ng Sta. Fe Senior High School, mahalagang gamitin ang CCTV nang responsable at igalang ang privacy at mga karapatan ng bawat miyembro ng school community.
“The recently installed CCTV cameras inside the Sta. Fe Senior High School campus are a positive step toward improving the safety and security of students, teachers, and school personnel. They can help monitor important areas of the campus, discourage inappropriate activities, and provide useful evidence should incidents occur,” sinabi ni Flores sa Romblon News Network.
Dagdag pa niya, dapat ding isaalang-alang ang responsableng paggamit ng CCTV sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa seguridad ng paaralan.
Samantala, sinabi ng isang estudyante na maaaring makatulong ang CCTV system sa pag-monitor ng mga nangyayari sa loob ng campus.
“For me po, malaking help talaga yung bagong CCTV sa school kasi mas magiging safe and secure yung mga students and teachers. At least po, may way na ma-monitor kung ano yung mga nangyayari around the school, especially kapag may unexpected incidents,” pahayag ng estudyante.
Dagdag pa ng estudyante, makatutulong din ang pagkakaroon ng CCTV sa pagpapaalala sa mga mag-aaral na maging maingat sa kanilang mga kilos habang nasa campus.
“Overall, I think good addition talaga siya sa school kasi it gives us a little more sense of safety,” dagdag ng estudyante.
Ang naturang inisyatibo ay iniugnay sa DepEd Order No. 006, s. 2026, o Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment, na nagtatakda ng mga hakbang kaugnay ng kaligtasan, seguridad at kapakanan ng mga mag-aaral at school personnel.
Patuloy na gagamitin ng Sta. Fe Senior High School ang CCTV system bilang bahagi ng mga hakbang sa pag-monitor at seguridad sa loob ng campus.


























