Ilang araw matapos ipanawagan ng mga residente ng Barangay Marigondon ang pagsasaayos ng hindi sementadong provincial road dulot, agad na nagpadala ng buhangin at graba ang lokal na pamahalaan ng Cajidiocan bilang pansamantalang solusyon sa problema.
Ayon kay Mayor Marvin Ramos, naglaan na ang pamahalaang panlalawigan ngayong taon ng ₱2.5 milyong pondo mula sa 20% Development Fund para sa pagsesemento ng nasabing kalsada sa Sitio Ilaya ng Barangay Marigondon.
Nilinaw ng alkalde na ito pa lamang ang kumpirmadong pondo para sa proyekto, kasabay ng mga kumakalat na impormasyon sa social media na umano’y hindi pa beripikado.
Samantala, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan upang maisaayos ang mga provincial road sa bayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.


































