• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Tuesday, October 13, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Wed
28 ° Thu
28 ° Fri
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Romblon, maglalaan ng pondo para palakasin ang agrikultura at pangisdaan

    Kakulangan ng trabaho sa Romblon, nagtutulak sa mga propesyonal na maghanapbuhay sa ibang lugar

    PSA: Ekonomiya ng Romblon, lumago ng 3.3% noong 2025

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    ₱25 milyong LGSF, ilalaan sa pagsesemento ng kalsada sa Magdiwang

    Romblon State U, ipinagdiwang ang ika-17 anibersaryo

    DOLE Romblon, pinag-aaralan ang posibleng dagdag na TUPAD para sa mga magsasaka sa harap ng El Niño

    Magdiwang NHS, nakiisa sa paggunita ng National School Safety Week 2026

    Sandiganbayan, naglabas ng warrant laban sa bise alkalde at walong dating konsehal ng Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Wed
28 ° Thu
28 ° Fri
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News

Kakulangan ng trabaho sa Romblon, nagtutulak sa mga propesyonal na maghanapbuhay sa ibang lugar

Ryan Christian SeraspibyRyan Christian Seraspi
October 13, 2026
in Local News
Reading Time: 10 mins read
4
0
81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara
Share on FacebookShare on Twitter

Kakulangan ng lokal na oportunidad sa trabaho at pag-alis ng mga propesyonal upang maghanapbuhay sa ibang lugar ang ilan sa mga hamong kinakaharap ng lalawigan ng Romblon sa kabila ng paglago ng ekonomiya nito ng 3.3 percent noong 2025.

Ito ang inilahad ni Executive Assistant to the Governor Dr. Arnulfo De Luna sa Provincial Product Accounts (PPA) Dissemination Forum ng Philippine Statistics Authority (PSA) Romblon na ginanap sa FAAS Loft Hotel sa San Agustin, Romblon nitong October 13, 2026.

Ayon kay De Luna, kabilang sa mga pangunahing hamon ang kakulangan ng mga bakanteng posisyon para sa mga kwalipikadong manggagawa, na nagiging dahilan upang lumipat sa ibang lalawigan o rehiyon ang mga propesyonal na nagmula sa Romblon.

Binigyang-diin niya ang sitwasyon sa sektor ng edukasyon, kung saan mahigit 100 ang pumapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) mula sa lalawigan kada taon, ngunit dalawa lamang ang bakanteng posisyon sa DepEd Division of Romblon.

Dahil sa limitadong oportunidad at sa average age na 35 taong gulang ng mga guro sa lalawigan, napipilitan umano ang ilan sa mga lisensyadong guro na maghanap ng trabaho sa CALABARZON, Mindoro at iba pang rehiyon.

Bagama't nagiging mapagkukunan ang Romblon ng mga bihasang manggagawa at propesyonal, kabilang ang mga sumailalim sa pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sinabi ni De Luna na ang naibabalik nilang pakinabang sa lalawigan ay kadalasang nasa anyo na lamang ng remittance sa kanilang mga pamilya sa halip na direktang paggamit ng kanilang kakayahan sa lokal na ekonomiya.

Bukod sa trabaho, tinalakay rin sa forum ang mga hamon sa agrikultura at pangisdaan. Kabilang dito ang pagkasira ng mga mangrove area at kakulangan ng mga proyektong pangisdaan gaya ng payao, na iniuugnay sa pagbaba ng huli ng mga mangingisda at kakulangan ng malalaking isda sa karagatan ng lalawigan.

Nabanggit din ang pagbaba ng produksyon ng niyog dahil sa kakulangan ng suporta sa industriya. Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa Philippine Coconut Authority (PCA) para sa pamamahagi ng libreng dwarf coconut seed nuts.

Upang matugunan ang mga hamong ito, sinabi ni De Luna na nagsisikap ang pamahalaang panlalawigan na maibalik sa mamamayan ang hanggang 80 porsiyento ng pondo nito sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa imprastraktura, pangingisda at agrikultura.

Kabilang din sa mga tinututukan ang pagpapalawak ng concrete runway ng paliparan sa Tablas upang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan at turista sa lalawigan.

Hinimok ni De Luna ang mga lokal na pamahalaan at mamamayan na makipagtulungan upang matiyak na ang mga gastusing pampubliko ay magdudulot ng makabuluhang epekto sa mga problemang natukoy sa datos ng PSA.

Related Posts

81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

Romblon, maglalaan ng pondo para palakasin ang agrikultura at pangisdaan

October 13, 2026
PSA: Ekonomiya ng Romblon, lumago ng 3.3% noong 2025

PSA: Ekonomiya ng Romblon, lumago ng 3.3% noong 2025

October 13, 2026
Leave Comment

Popular Stories

  • Sandiganbayan, naglabas ng warrant laban sa bise alkalde at walong dating konsehal ng Romblon

    Sandiganbayan, naglabas ng warrant laban sa bise alkalde at walong dating konsehal ng Romblon

    215 shares
    Share 86 Tweet 54
  • DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    124 shares
    Share 50 Tweet 31
  • Alcantara, nanguna bilang “Best Destination in Romblon” sa online public voting

    114 shares
    Share 46 Tweet 29
  • Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

    970 shares
    Share 388 Tweet 243
  • Mga Sibuyanon sa North America, nanawagan ng pagkansela sa mining agreement ng Altai

    33 shares
    Share 13 Tweet 8
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Cong. Budoy Madrona, muling iginiit ang prayoridad sa edukasyon sa Romblon

3,950 benepisyaryo sa San Jose, saklaw ng ikalawang round ng rice assistance sa ilalim ng LGSF

Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

TRENDING FOR THE MONTH

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

11 sugatan matapos tumagilid ang pampasaherong jeep sa Santa Maria

Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up